(To download, write-click on the tracks, click “Save target/link as …” and save the files directly to your computer, smart phone or other electronic devices.)
Quotation #1:
“Ang pagpapabuti ng daigdig ay maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng dalisay at mabubuting mga gawain, sa pamamagitan ng kapuri-puri at karapat-dapat na pag-uugali.” (Bahá’u’lláh)
Quotation #2:
“Mag-ingat, O mga tao ng Bahá, na baka kayo’y lumakad sa mga pamamaraan noong mga salita ay kaiba sa kanilang mga ginagawa” ,(Bahá’u’lláh)
Quotation #3:
“O Anak ng Katauhan! Ihanda ang iyong sarili na magbigay sulit sa bawat araw bago ka pa tawagin sa isang pagtutuos…” (Bahá’u’lláh)
Quotation #4:
“Sabihin: O mga kapatid! Hayaang mga gawa, hindi mga salita, ang inyong maging palamuti.” (Bahá’u’lláh)
Quotation #5:
“Mga banal na salita at wagas at butihing mga gawa ay umaakyat sa langit ng makalangit na luwalhati.” (Bahá’u’lláh)
Quotation #6:
“Ang pagkamatotohanan ang batayan ng lahat ng mga katangiang pantao”.(‘Abdu’l-Bahá)
Quotation #7:
Kapag walang pagkamakatotohanan, ang pag-unlad at tagumpay sa lahat ng mga daigdig ng Diyos ay di-maaring mangyari sa kanino mang kaluluwa.” (‘Abdu’l-Bahá)
Quotation #8:
“Pagandahin ang inyong mga dila, O mga tao, ng pagkamakatotohanan, at palamutian ang inyong mga kaluluwa ng hiyas ng katapatan.”
(Bahá’u’lláh)
Quotation #9:
“Maging malinis ang inyong mata, matapat ang inyong kamay, makatotohanan ang inyong dila, at naliliwanagan ang inyong puso.” (Bahá’u’lláh)
Quotation #10:
“Silang nananahan sa loob ng Tabernakulo ng Diyos, at naitatag sa mga luklukan ng walang-hanggang kaluwalhatian, ay tatanggi, kahit na sila’y namamatay na sa gutom, na unatin ang kanilang mga kamay at kunin nang hindi ayon sa batas ang pag-aari ng kanilang kapitbahay, gaano man sila kaaba at kawalang halaga.” (Bahá’u’lláh)
Quotation #11:
“Ang mabait na dila ay batubalani nga mga puso ng mga tao. Ito ang tinapay ng espiritu, dinadamitan nito ang mga pananalita nga kahulugan, ito ang bukal ng liwanag ng kaalaman at pag-unawa” (Bahá’u’lláh)
Quotation #12:
“O kayong minamahal ng Panginoon! Sa banal na Dispensasyong ito, ang pag-aaway at pagtatalo ay hindi pinapahihintulutan sa anumang dahilan. Pinagkakaitan ng bawat mang-aaway ang kaniyang sarili ng biyaya ng Diyos.” (‘Abdu’l-Bahá)
Quotation #13:
Sa Araw na ito, walang anuman ang higit pang makapipinsala sa Kapakanang ito kaysa pagtatalo at paglalaban, pagtutol, kalayuan ng loob, at kawalang-malasakit sa pagitan ng mga minamahal ng Diyos.” (Bahá’u’lláh)
Quotation #14:
“Huwag masiyahan sa pakikipagkaibigan sa pamamagitan ng salita lamang, hayaang mag-alab ang iyong puso sa masuyong kabaitan para sa lahat ng tatawid sa iyong landas.” (‘Abdu’l-Bahá)
Quotation #15:
“Kung sa guniguni’y gumuhit ang digmaan, salungatin iyon ng lalong malakas na kaisipan ng kapayapaan. Ang isang kaisipan ng pagkapoot ay dapat wasakin ng isang lalong malakas na kaisipan ng pag-ibig.”
(Abdu’l-Bahá)
Quotation #16:
“…ang paninirang-puri ay pumapatay sa liwanag ng puso, at pinapatay ang buhay ng kaluluwa.” (Bahá’u’lláh)
Quotation #17:
“Huwag ihinga ang mga pagkakasala ng iba habang ikaw sa iyong sarili ay isang makasalanan.”(Bahá’u’lláh)
Quotation #18:
“Huwag magsalita ng masama, nang hindi mo marinig na iyon ay sabihin sa iyo, at huwag palakihin ang mga kamalian ng iba, nang ang iyong sariling mga kamalian ay hindi lumitaw na mas higit pa. . .” (Bahá’u’lláh)
Quotation #19:
O Anak ng Katauhan! Paano mo nalilimutan ang iyong sariling mga pagkakamali at inaabala ang iyong sarili sa mga pagkakamali ng iba?” (Bahá’u’lláh)
Quotation #20:
“Ilubog ang inyong mga sarili sa karagatan ng Aking nga salita, upang matastas ninyo ang mga lihim nito, at matuklasan ang lahat ng mga perlas ng karunungang natatago sa mga kailaliman nito.” (Bahá’u’lláh)